Thursday, February 26, 2009

Rags to Riches



Japan Japan, Sagot sa Kahirapan!

I. Ang mga may problemang pinansyal, huwag mawalan ng pag-asa!

Panukalang Pahayag

Ang pagpunta sa Japan ay nakapagbibigay ng malaking pagkakataon sa mga babae may upang yumaman. Ilan sa mga babaeng ito ay may problema sa pinansyal at hindi nakatapos ng pag-aaral.

B. Introduksyon
Ang paksa ng mga mananaliksik ay tungkol sa mga babaeng umasenso o umangat ang buhay dahil sa pagtratrabaho bilang isang entertainer sa Japan. Sinasabi ng ilan na ang pagiging entertainer sa Japan ay nagiging dahilan upang sila ay umangat sa buhay. Marami naman sa mga mamamayang Pilipino ang hindi nagbibigay respekto sa kanila, tinuturing silang isang mababang uri ng babae.

Ang mga mananaliksik ay nagnanais na mabago ang maling pananao ng lipunan sa mga babaeng nagtratrabahong bilang isang entertainer. Nais nilang maipakita ang panig ng mga ito laban sa mga mapanuring tao.

C. Rebyu o Pag-aaral

Sa mga ginawang pananaliksik, maraming naunang pagaaral ukol sa paksa ang lumabas. isa na rito ang artikulo ng answer.yahoo.com na pinamagatang "filipinos, what exactly is a japayuki?" sa akdang ito tinatalakay ang pamumuhay ng mga japayuki sa Japan. Inilahad din dito ang pagtatagumpay ng mga ito, tinalakay din dito na ang mga Pilipinang nagtratrabaho sa Japan ay hindi prostitute kung hindi entertainer- sila ay mga kumakanta, sumasayaw at nakikipagusap sa customer. Ang iba ay nagiging prostitute pero iilan lamang. Base naman sa artikulo ng ng sulit.com na pinamagatang" salitang "JAPAYUKI" immoral ba", inilalahad dito na immoral na kaagad dahil ang tingin ng mga Pilipino sa mga babaeng nagpupunta ng Japan. Ang ilan pa ay nagsasabi na isang bayarang babae ang mga nagpupunta sa Japan walang pinagkaiba sa mga babae na nagtratrabaho sa nga bar sa Pilipinas. Idenedepensa nila na hindi ito isang maduming trabaho, nagbibigay sila ng saya sa mga customers sa pagpapakita ng kanilang talento sa pagkanta at pagsayaw, katulad na lamang ng grupong “sexbomb” sa GMA 7.

D. Layunin

Ang layunin ng pananaliksik na ito ay ang mga sumusunod:
Tiyak
• Makatulong ang pananaliksik na patunayan na ang pagiging entertainer sa Japan ay hindi isang maduming trabaho.• Makatulong na mabago ang maling pananaw na wala ng pagasa ang mga mahihirap o may problema sa pinansyal na umasenso sa buhay.• Makatulong upang makapagbigay ng lakas ng loob sa mga kababaihan para magsikap at huwag sumuko sa hirap ng buhay.

Pangkalahatan
• Maaaring magbigay ng karagdagang impormasyon sa larangan ng Sociology at Behaviorism ang pananaliksik na ito upang maintindihan ang epekto ng diskriminasyon sa mga kababaihan.
• Makatutulong din ito sa larangan ng Edukasyon ukol sa pag-aaral sa kultura at sekswalidad.
• Makatutulong din ito sa mga kabataan na hindi nakapagtapos sa pag-aaral upang magkaroon ng lakas na humanap ng paraan para malutas ang problemang pinansyal.

E. Halaga
Ang pag-aaral ng mga mananaliksik ay magiging kapakipakinabang sa mga taong may planong mangibang bansa lalo na sa mga kababaihang susubukin ang kanilang kapalaran sa Japan bilang isang entertainer. Kabilang ang mga taong iyon sa umaasa na maiangat ang buhay ng kanilang mga mahal sa buhay. Hindi lamang ang mga nagnanais pumunta ng ibang bansa particular ang Japan ang makikinabang sa pananaliksik na ito kung hindi pati rin ang mga tao naiwan dito sa Pilipinas, ang mamamayan na humuhusga sa kanila. Hinahamon ng mga mananaliksik ang inyong kaisipan kung nararapat bang matanggap ng mga babaing nagpupunta sa Japan ang kawalan ng respekto na nakasanayan o dapat silang igalang at ituring mga huwaran.

F. Konseptuwal na Balangkas



Ang bawat babae na nagpupunta sa Japan at nagtratrabaho bilang mga entertainer ang paksa sa pananaliksik na ito. Ang ilan sa kanila ay nagtatagumpay dahil nakamit nila ang nais nila sa buhay, sa pamamagitan ng pagkakaroon ng pera, negosyo at karangyaan na nakapagpabago ng kanilang buhay Meron din nakaranas ng kahirapan sa Japan. Nagkaroon sila ng problema kung paano sila muling makakabalik sa ating bansa, nadagdagan pa ang utang ng kanyang pamilya at ang kahihiyan sa sarili. Nagtagumpay man sila o naghirap nakaranas pa rin sila ng discriminasyon at pagkawala ng kanilang dignidad. Masama man o mabuti, ang pagpunata sa Japan ay nagbibigay ng pagkakataon sa mga kababaihan na makamit ang kanilang ninanais sa buhay kagaya na lamang ng pinansyal.

G. Metodolohiya
Ang mga mananaliksik ay mangangalap ng mga impormasyon at datos sa libro at internet. Magsasagawa rin sila ng pakikipanayam sa mga kababaihan na nakapagtrabaho na sa Japan. Ang mga impormasyon at datos na kanilang nakuha ay iaayos at pagsasamasamahin.

H. Saklaw / Delimitasyon
Bibigyang halaga namin sa pananaliksik na ito ang mga karanasan at pinagdaan ng mga kababaihan sa Japan na naging dahilan upang sila ay mapabilang sa mga taong nakaranas ng “Rags to Riches’.

I. Daloy ng Pag-aaral

Ang mga mananaliksik ay nangalap ng mga datos at impormasyon sa libro at internet. Pinagsama-sama nila ang mga nakuhang impormasyon sa kanilang pakikipanayam sa mga kababaihan na nakapagtrabaho bilang isang entertainer. Pinag-ugnay-ugnay nila ang mga ito at isinaayos sa paraaan ng pananaliksik.


II. Japan: Pag-asa ng mga Kababaihan..

A. Mga kababaihan sa Japan.

Ano ang Japayuki? Ito ay nagmula sa salitang “karayuki”. Mga tao na nagtatrabaho sa Japan. Karaniwan tinatawag sa babae na OFW sa Japan kumpara sa lalake. Karamihan ng nga club ay nasa Tokyo, kung saan ito ay tumatayong sentro ng Japan. Noong ikawalong pung decada apat na buwan ang kontrata ng mga kababaihan na nagpupunta sa Japan. Cultural dancers ang tawag sa kanila noong umalis sila sa Pilipinas pero nang makabalik ang mga babaing ito japayuki na ang tawag sa kanila. Noong panahon na iyon ang sahod ng pangkaraniwang entertainer ay dalawang daang dolyar at kung ikaw ay isang pinuno ng grupo, tatlong daang dolyar ang sahod. Ang ilan sa mga nagpupunta sa Japan ay napapadpad sa mahigpit na pamamalakad. Ayon sa aming nakuhang impormasyon bawal manigarilyo, bawal uminom, bawal lumabas na kasama ang customer at bawal tumanggao ng tip mula sa mga customer. Pagkatapos ng kanilang sayaw kailangan na nilang dumeretso sa mga lamesa kung saan naghihintay ang mga Japanese customer.

Sa kabila ng mga naranasan ng mga kababaihan na nagpupunta ng Japan, marami pa rin sa kanila ang nakikipagsapalaran. Maraming Pilipino ang naghihirap ngayon karamihan sa kanila ay hindi nakapagtapos ng pag-aaral kaya naman pagpunta sa Japan at pagpasok sa ganoong trabaho ang kanilang pag-asa. Nakapagbibigay inspirasyon sa kanila ang mga kababaihan na umasenso dahil sa pagpunta sa Japan. Nakaroon ng solusyon ang kanilang problema sa pinansyal.

Ang mga taong hinigan namin ng pahayag ay sina Annabelle Cruz 34 gulang, Ailene Cruz 30 gulang, Gigi Buko 34 gulang, Liberty Desederio 28 gulang, Wendy 29 gulang, Digna 25 at Lorna Masa 32 gulang. Ang magkapatid na sina Annabelle at Ailene Cruz ay nakatira sa Baliuag Bulacan. Kapawa sila nagkaroon ng relasyon sa mga Hapon at di kalaunan ay naging asawa nila. Sina Gigi Buko at Liberty Desederio naman ay naging kasamahan ng magkapatid sa club sa Japan, nakasama na rin sila ng magkapatid sa club sa Baliuag, Bulacan. Si Lorna Masa naman ay nakatira sa Bagong Barrio Caloocan, City. Limang taon na si Lorna namamahala ng mga babaing entertainer sa Japan ng makilala niya sina Annabelle at Ailene Cruz.


II. Sa Japan, kami ay umasenso.

Karamihan sa mga taong nag iibang bansa ay gustong makatamo ng tagumpay sa buhay at maiahon sa hirap ang kanilang mga pamilya. Ngunit, hindi lamang ito ang mga material na bagay, nagiging dahilan din ng ating tagumpay kapag ayos na ang pamilya at maging ang estado sa buhay. Ang mga entertainer sa Japan na nakapanayam ng mga mananaliksik ay mga nasa murang edad pa lamang noong sila’y nagtungo sa Japan, labingwalong taon pa lamang sila noon. Kahirapan sa buhay ang naging dahilan nila, nais nilang makatulong sa kanilang pamilya para maiahon at makaranas ng ginhawa. Kapwa sila hindi nakapagtapos ng pag-aaral kaya nahihirapan silang humanap ng trabaho dito sa ating bansa. Sa katunayan ang magkapatid na Cruz, si Gigi at Liberty ay entertainer din noong una sa Bulacan pero hindi sapat ang kanilang natatanggap na pera kaya nagdesisyon na silang magtunggo sa Japan. Mahirap para sa kanila na kumbinsihin ang kanilang mga magulang pero hindi kalaunan napilit din nila ito at naisakatuparan nila ang kanilang pagtratrabaho sa Japan. Nasa murang edad pa lamang sila noon kaya takot sila sa mga Hapon, tinatanggap na lang nila ang mga pangbabastos na ginagawa ng mga ito. Mahirap ang kanilang naging buhay sa unang taon nila sa Japan. Nagtiis ang magkapatid sa pamamalakad ni Lorna at ang asawa nitong si Haruu Masa. Dahil kay Haruu Masa nasuportahan ni Lorna ang mga kapatid niya sa pag-aaral at nakapagtapos na ng kolehiyo. Sa bawat hirap na pinagdaanan ng magkapatid lagi nilang isinasaisip ang kanilang pamilyang naiwan sa Pilipinas, kaya nagpatuloy pa rin sila. Ipinakilala ni Haruu Masa si Harusang Oi kay Annabelle at di nagtagal sila ay nagkamabutihan na nauwi sa kasalan. Pinauwi na ni Harusang sa Pilipinas si Annabelle, pabalik-balik na lamang dito si Harusang upang bisitahin si Annabelle. Ayon kay Annabelle naiinip siya sa Pilipinas kaya pinilit niya ang kanyang asawa na bumalik siya sa Japan, hindi na siya entertainer katulong na niya ang kanyang asawa sa pagpapatakbo ng sarili nilang club. Pagkatapos ng ilang buwan kinuha ni Harusang si Ailene upang magkasama na ang magkapatid, isa nang regular na entertainer si Ailene sa club ni Harusang. Isang araw pagkatapos ng kanyang trabaho, nagpakilala sa kanya ang Hapon na nagngangalang Yamasita Oni. Parehas sila ng naging kapalaran ng kanyang nakatatandang kapatid, nakapangasawa rin siya ng Hapon. Dahil sa ganda ng kanilang sinapit na kapalaran natulungan nila ang dati nilang kasamahan na sina Gigi at Liberty na makarating sa Japan. Nagpatayo na rin sina Harusang at Yamasita ng club sa Bulacan, binigyan din nila ng negosyo ng mga magulang nila, nagpatayo sila ng agency sa Bulacan. Dahil sa agency nila natupad din ang mga pangarap ng iba nilang kababayan sa Bulacan. Nagsilbi silang inspirasyon sa mga kababaihan sa Bulacan at ng mga Japan upang magpatuloy sa pag-abot ng kanilang ninanais.Ayon sa kanila meron pa rin silang mga kasamahan na hindi pinalad sa Japan. Ang iba sa mga iyon ay lumaban sa mga Hapon dahil sa ginagawa sa kanila. Naging mahina sila sa mga nangyari at pinili na lamang na umuwi sa Pilipinas. Masakit para sa kanila na bumalik ng Pilipinas ng walang dalang pagbabago para sa kanilang pamilya. Hindi na nila natupad ang kanilang nais na mangyari nagkaroon pa sila ng higit sa problema nila noon.

Ayon din sa kanila, minsan nagiging daan na lamang sila ng mga taong kakilala nila upang maipadala ng mga ito sa kani-kanilang pamilya ang mga bagay na kailangan ng kanilang mga mahal sa buhay. Minsan, ang mga kababayan daw natin sa Japan ay nakikisabay ng mga bagahe sa mga entertainer nilang kaibigan na uuwi ditto sa Pilipinas upang mas makamura sila sa pagpapadala ng mga pasalubong o sustento sa mga taong umaasa sa mga padala nila at uapang makasigurado rin sila na makakarating agad ang mga ito sa mga pamilya nila.
Sa kabila ng tagumpay na kanilang nakamit meron pa rin silang lungkot na dinadala, iyon ay ang mga mata ng tao na humuhusga sa kanila. Ayon sa kanila masyadong mapanuri ang mga tao na hindi nakakaintindi sa kanila. Hinuhusgahan sila bilang mababang uri at malalanding tao sa lipunan, nakamit lang daw nila ang mga iyon dahil sa madumi at walang moralidad na paraan. Meron din naming nakakaintindi sa kanila pero maliit na bilang lamang at karamihan pa sa mga ito ay kasapi ng kanilang pamilya.


Rekomendasyon

Ayon sa mga nakalap na datos ng mga mananaliksik, ang bawat kababaihan na nagnanais magpunta sa Japan ay may posibilidad na makaranas ng tagumpay . Ang mahalaga ay kayanin nito ang hirap na kanyang pagdaraanan sa Japan, kailangan din ng tiyaga at tiis upang magtagal sa trabaho nang sa gayon makamit nito ang kanyang nais.

Iminumungkahi ng mga mananaliksik na mahirap nakipagsapalaran sa ibang bansa kung hindi buo ang iyong loob. Para sa mga nagnanais na pumunta ng Japan dapat pangatawanan ang mga naging desisyon, mahalaga na handa sa maaring mangyari mabuti o masama. Kung gusto naman natin ang isang bagay laging merong paraan, dapat lang tayong maging positibo sa lahat ng bagay at maghintay ng pagkakataon sa pagdating ng magandang oppurtunidad. Para naman sa mga taong hindi nagbibigay respekto sa mga Japayuki; dapat nilang baguhin ang kanilang panananaw dahil ang pagpunta sa Japan ay isang marangal na trabaho sapagkat wala naman silang taong inaapakan at ginagawa nila iyon para sa kanila at higit para sa kabubuti ng kanilang pamilya.



Mga mananaliksik
Ivy Manalang
Nina Camille Domingo
Jhoy Flores
Ikalawang semestre 08-09